?

Log in

Previous Entry | Next Entry

bakit hindi ako gumagamit ng tags?

Ang bilis ng panahon 2009 na hindi pa rin nakakaahon ang mundo. Si Pareng Paquing, binalak nang sumuko hinahabol na daw siya ng multo. Ang mga estudyante patuloy ang paghihimutok sa nasa tuktok, nagdadalawang isip kung itutuloy ang kolehiyo. Baka dumating ang panahon gutumin lang daw ng paghalughog. Anong oras ka uuwi? Hindi mo masasagot dahil hindi ka pa naman nakakarating sa pook kung saan ka tutungo. Matagal ko ng hindi naririnig ang boses mo sa radyo, komentaristang kasing laki ng plato ang nakapatong sa ulo. Hala kaya mamaya hindi ka na makikilala ng iyong pamilya.


Ang bilis ng panahon, mamaya me bago ka na namang sapatos. Madaya ang mundo, hindi mo sigurado ang presyo nito. Pero mas madaya ang SM at Robinsons, pansinin mo walang orasan sa loob ito.

Profile

bjork + diddy
el_pomstar
Ade Perillo

Latest Month

April 2011
S M T W T F S
     12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
Powered by LiveJournal.com
Designed by chasethestars